
Mga Kapuso, ito na ang chance niyo na kumanta tulad ng mga iniidolo niyong sina Kyline Alcantara at Therese Malvar ng upcoming kantaserye na Inagaw na Bituin.
Tapos nang i-record nina Kyline at Therese ang “Ako'y Isang Bituin,” isa sa original soundtracks ng kanilang pagbibidahang musical-drama series.
IN PHOTOS: Kyline Alcantara and Therese Malvar record 'Inagaw na Bituin' OST
Puwede rin kayong gumawa ng sarili niyong version.
Sundan lang ang lyrics ng kanta at i-download ang minus one nito sa link na ito: http://bit.ly/AkoyIsangBituin.
I-upload ang inyong video sa Facebook, Instagram o Twitter gamit ang hashtag na #AkoyIsangBituin.
“Ako'y Isang Bituin”
By: Natasha L. Correos
GMA Post Music Production
I.
Kay raming dahilan para sumuko
Mga hamon sa buhay
Lakas ko'y unti unti unting inubos
Pagmamahal na minsang nadama
Ikaw at ako, Saan na nga ba napunta?
Refrain:
Sa kabila ng lahat
Araw ay sisikat din
Ako'y babangon muli
Sa liwanag ay magbabalik
Chorus:
Di hahayaan pa na muling madapa
Di mapapagod na lumaban pa
Hangga't may pag-asa
Pangarap ay makakamtan ko na
Kinabukasan ko'y magnining-ning
Ako'y isang bituin
Happy singing, mga Kapuso! Tutok lang sa GMANetwork.com para sa iba pang updates tungkol sa Inagaw na Bituin!