GMA Logo Denise Barbacena
What's on TV

In the Limelight: Denise Barbacena shares how she balanced school and showbiz

By Dianne Mariano
Published September 8, 2021 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Denise Barbacena


Paano nga ba napagsabay ni Kapuso actress Denise Barbacena ang kanyang pag-aaral at showbiz commitments? Alamin DITO:

Ibinahagi ni Kapuso actress Denise Barbacena ang kanyang buhay bilang isang college student at kung paano niya ito napagsabay sa showbiz sa bagong episode ng In The Limelight.

Photo courtesy In The Limelight

“Minsan nag-aaral ako sa set habang nasa taping kapag hindi pa ako kinukuhaan doon ako nag-rereview o kaya naman on my way to school, imbis na umiidlip ako sa biyahe, doon ako nagbabasa.

“Minsan naman doon na lang mismo sa araw ng klase bago mag-start doon ako nagbabasa, nila-laser ko ng basa,” pagbahagi ni Denise.

Ayon sa Kapuso actress, naging mahirap daw ang pagsasabay ng kanyang pag-aaral at trabaho sa showbiz at sinabing mayroong mga bagay na kailangan isakripisyo.

Aniya, “Madalas yung tulog mo, and minsan nasasakripisyo din yung pag-aaral mo. Minsan naman sa work, may mga naisa-sakripisyo ka din. May mga hindi ka natatanggap na mga raket or 'di natatanggap na bookings or guestings kasi ipa-prioritize ko yung time na 'yon yung exam ko.”

Mahirap man ito, nalagpasan pa din ni Denise ang lahat sa tulong ng kanyang pamilya, kaibigan, co-workers, at professors.

“Mahirap siya pero naging posible siya with the help of so many people at work and at school, my family and my friends,” pagbahagi ng aktres.

Ikinuwento din ng ng aktres na dapat noong nakaraan na taon pa ang kanyang graduation ceremony ngunit ito'y naudlot dahil sa pandemya.

“Last year ako nakatapos ng college after 10 years, 10 years ako sa college. Last year dapat yung graduation ko pero alam naman natin year 2020 nag-start yung pandemic.

“Akala ko mapo-postpone lang yung graduation ceremony pero wala. Lumipas yung isang taon, hindi na talaga siya nangyari sa physical venue with face-to-face with other graduates,” pagbahagi ni Denise.

Gayunpaman, nagkaroon ng online ceremony noong Pebrero para sa graduates of 2020 kung saan kabilang ang aktres at nakatapos sa kursong BS Medical Technology.

Mas lalo pang kilalanin si Kapuso singer and actress Denise Barbacena at tuklasin ang kanyang upcoming Kapuso projects sa In The Limelight video sa itaas o panoorin dito.

Samantala, muling tignan ang hottest photos ni Denise Barbacena sa gallery na ito: