Myrtle Sarrosa talks about providing opportunities amid the pandemic
Sa episode ng In The Limelight, ibinahagi ni Kapuso star Myrtle Sarrosa na nakatulong siya sa iba't ibang tao ngayong pandemya dahil sa kanyang mga nakamit bilang competitive gamer.
Photo courtesy: In The Limelight (GMA Artist Center)
“One thing na hindi alam sa akin ng mga tao is I'm a very competitive gamer.
“Kasi kilala ako ng mga tao into cosplay bilang yung mga characters ko sa mga TV shows pero hindi nila alam, behind the camera, isa akong sobrang competitive na gamer.
“Tipong guild leader ako sa mga iba't ibang guilds. Pumasok na ako sa top hundred sa iba't ibang games sa buong mundo and sobrang proud ako sa naging achievements ko off my work,” ani Myrtle.
Dahil sa kanyang achievements, ikinuwento ng Nagbabagang Luha star na nakapagbukas din ito ng oportunidad para sa ibang tao.
Photo courtesy: In The Limelight (GMA Artist Center)
Aniya, “Dahil dito sa naging achievements ko in gaming, nagkaroon na ako ng iba't ibang opportunities para tumulong din sa mga taong into gaming at walang trabaho.
“Recently, nag-put up ako ng isang gaming store kung saan we help people to play and earn at the same time sa paglalaro ng iba't ibang mga video games.”
Hindi inakala ng aktres na makakatulong siya sa maraming nangangailangan dahil sa kanyang pagmamahal at passion sa gaming.
“Sobrang proud ko lang kasi I did not expect na yung passion ko, yung interest ko, yung hobby ko in gaming would open opportunities for me to help so much people,” pagbabahagi ni Myrtle.
Ilan sa mga paboritong laro ni Myrtle ay ang Call of Duty Mobile, Hearthstone, World of Warcraft, Ragnarok, at Axie Infinity, kung saan nakapagtayo siya ng isang academy para sa gamers.
Kuwento niya, “Recently, I'm a huge Axie Infinity player.
“Sa Axie naman, I've created an academy kung saan tumutulong ako sa iba't ibang mga gamers para kumita sila ng pera habang naglalaro lang for two hours in a day.
“And gumawa na rin ako ng stores ko because of Axie and it has been so much fun to actually earn from gaming and, at the same time, help so much people.”
Alamin ang nakatutuwang kuwento ni Myrtle Sarrosa tungkol sa kanyang passion sa gaming sa In The Limelight episode sa itaas.
Samantala, muling tignan ang magagandang costume outfits ni Myrtle Sarrosa sa gallery na ito: