WATCH: Kris Bernal, ipinasilip kung paano kinukunan ang mga eksena nina Nimfa at Rosette sa 'Impostora'
Dalawa ang role na ginaganapan ni Kapuso actress Kris Bernal sa GMA Afternoon Prime series na Impostora.
Doble din ang trabahong kailangan niyang gawin para dito dahil may sariling mga eksena ang kanyang mga karakter na sina Nimfa at Rosette.
Pero lalong mahirap para kay Kris kapag kailangang magsama sa isang eksena ng dalawa.
Sa pamamagitan ng isang maikling video, ibinahagi ni Kris kung paano ba kinukunan ang mga eksenang ganito.
"One confrontation scene of Nimfa and Rosette takes long hours! I have no one to throw lines with. I have no one to pull out emotions from. There's close up, there's wide shot for both characters. To transform to another character, palit damit, palit hair and makeup, palit acting," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Masaya naman si Kris dahil patuloy na tinatangkilik ang serye.
"We've been gaining ratings lately. I am so pleased that you enjoy our show! Thank you so much for all your support and for all the positive feedback! 'Wag bibitiw!" aniya.
Patuloy na abangan ang kuwento nina Nimfa at Rosette sa Impostora, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.