Kris Bernal, nakakatanggap ng positive feedback mula sa viewers ng 'Impostora'
Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng Afternoon Prime series na Impostora mula nang umere ang pilot episode nito noong July 3.
LOOK: 'Impostora's' pilot episode trends on Twitter
Kaya naman malaki ang pasasalamat ng lead star na si Kris Bernal sa mga tumatangkilik sa naturang programa. May iba pa nga na nagpapadala ng mensahe sa aktres sa kanyang social media account.
"From random people sending me direct messages. I truly appreciate someone taking the time to send a compliment over. It completes my day. Maraming salamat po! Sulit ang puyat at pagod sa #Impostora!" ani Kris sa caption.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa Impostora, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, sa GMA Afternoon Prime.