LOOK: Gabby Concepcion, thankful sa pagiging no. 1 ng 'Ika-6 Na Utos' sa loob ng isang taon
Sa loob ng mahigit isang taon, consistent number one ang afternoon drama series na Ika-6 Na Utos sa nationwide television ratings.
Kaya naman ang lead actor nito na si Gabby Concepcion, proud na ipinost sa Instagram ang ratings ng serye noong nakaraang linggo. Kalakip pa nito ang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumusubaybay dito.
Saad niya, "We are so grateful to our loyal viewers and supporters. We have been in your lives for over a year now. Salamat po sa posting @kamille_ph #ika6nautos #happyanniversary #grateful #goodvibes #gmadrama #gmanewstv"