Follow the fun and heartwarming story of our cute, fuzzy hero, Iglot and a mother’s continuous search for her lost daughter.
Isang bagong drama at fantasy ang inyong aabangan sa primetime gabi-gabi – ang <b>IGLOT</b>. Susundan nito ang istorya ng isang fluffy creatue, si Iglot, at kung paano niyang mababago ang buhay ng mga nasa paligid niya at maipapakita na malalampasan ng pagmamahal ang kanit anong pagsubok.
Magsisimula ang istorya ni Iglot sa panahon ng mga Mulawin, matapos ihulog ni Aviona ang huling itlog ng unggiko sa loob ng isang bulkan. Habang naghihintay ang itlog na ito sa pagsabog ng bulkan, nagsisimula na din ang buhay ng taong mangangalaga dito sa kinabukasan.
Walang ibang ninais ang mabait na si Mariella sa buhay kundi mapakasalan ang kanyang pinakamamahal na si Anton, at magsimula na sila sa buhay-pamilya. Ngunit masisira ang pangarap na ito sa pagbabalik ng dating kasintahan ni Mariella na si Juancho, na siyang gagamit ng kanyang kapangyarihan at kayamanan makuha lang niya muli si Mariella.
Gagamitin ni Juancho si Ramona, ang best friend ni Mariella, upang paghiwalayin sila ni Anton, dahil alam ni Juancho na may pagtingin si Ramona sa binata. Matapos paniwalain si Mariella na may relasyon sina Anton at Ramona ay iiwan niya ang mga ito, kahit na dinadala na niya sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Anton. Mula noon ay ipinangako ni Mariella na palalakihin at aarugain ang kanyang anak mag-isa.
Ngunit sa gitna ng mga pangyayaring ito ay sasabog ang bulkan, at paghihiwalayin nina Juancho at ng kanyang tauhang si Aldo ang mag-ina. Uutusan ni Juancho si Aldo na patayin ang anak ni Mariella, ngunit hindi ito kaya ni Aldo kaya iiwan na lamang niya ito sa bahay ng matandang si Lola Idang.
Aalagaan ni Lola Idang ang sanggol, na tatawagin niyang Luningning, at palalakihin ito ng maayos, ngunit hindi niya nanaising maging malapit dito. Kaya naman kadalasan ay pakiramdam ni Luningning na siya ay nag-iisa at walang may gusto sa kanya.
Sa gitna ng kanyang paglalaro mag-isa ay makukuha ni Luningning ang itlog, na siya niyang ituturing na kaibigan at papangalanang Iglot. Laking gulat na lang niya nang mabiyak ang itlog at lalabas ang isang cute at fluffy na creature na kakaiba sa lahat.
Abangan ang mga adventures nina Luningning at Iglot, at kung paanong mababago ng dalawa ang buhay ng mga nasa paligid nila. Abangan rin kung paanong magiging instrument si Iglot sa muling pagkikita-kita ng mga tauhan sa istorya, kabilang na ang muling pagkikita ng mag-inang Luningning at Mariella.
Sa direksiyon ni Direk Gil Tejada Jr., siguradong mabibigyan ng kakaibang kulay at bagong-buhay ang drama-fantaseryeng ito ng GMA.
Mapapanood na ang <b>Iglot</b> gabi-gabi pagkatapos ang <i>24 Oras</i> sa GMA Telebabad.