
Maghahatid ng kilig ang Kapuso stars na sina Shaira Diaz at David Licauco ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Tampok kasi dito ang romantic comedy movie nila na Because I Love You.
Gaganap si Shaira bilang si Summer, isang very independent at street-smart na babaeng nagtatrabaho bilang bumbero. Si David naman ay si Rael, tahimik at konserbatibong tagapagmana ng kanilang family business.
Magkaiba ang mga mundong ginagalawan kaya mag-aalangan si Summer na buksan ang kanyang puso kay Rael.
Bibigyan ba ng pagkakataon ni Summer si Rael?
Kasama nina Shaira at David sa pelikula si award-winning actor Martin del Rosario at si Miss World Philippines 2019 Michelle Dee.
Abangan ang Because I Love You, October 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang black comedy thriller film na Parasite.
Gumawa ng kasaysayan ang South Korean movie na ito nang masungkit nito ang prestihiyosong Palme d'Or mula sa 2019 Cannes Film Festival.
Pinarangalan din itong Best Picture, Best Director, Best Original Screenplay, at Best International Feature Film sa 92nd Academy Awards.
Panoorin ang groundbreaking film na Parasite, October 11, 6:00 p.m. sa Block Screening.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.