'Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie' nina Michael V. at Ogie Alcasid, tampok sa I Heart Movies
Narito na naman para magbigay ng saya ang tambalan ng mga singer-comedians na sina Michael V. at Ogie Alcasid.
Tampok kasi ang kanilang pelikulang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie ngayong Jan. 6, 8 p.m. sa digital channel na I Heart Movies.
Base ang pelikula sa patok na Bubble Gang skit na "Ang Spoiled." Sa pelikula, masisisante si Yaya Rosalinda (Michael V.) dahil sa panibagong kalokohan ni Angelina (Ogie Alcasid).
Dahil walang nagbabantay kay Angelina, maki-kidnap siya! Gagawin naman ni Yaya Rosalinda ang lahat para mabawi ang pilyang alaga.
Para naman sa fans ng romantic comedy films, huwag palampasin ang My Best Friend's Girlfriend na ipalalabas sa Jan. 5, 10 a.m. sa I Heart Movies.
Magkatambal dito sina Richard Gutierrez at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Hinirang ang dalawa bilang Valentine Box-Office King & Queen sa GMMSF Box-Office Entertainment Awards noong 2009 dahil sa kanilang pagganap sa pelikula.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.