GMA Logo Almost A Love Story movie in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'Almost a Love Story' starring Barbie Forteza at Derrick Monasterio, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published April 21, 2025 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Almost A Love Story movie in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'Almost a Love Story' starring Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Para sa fans ng romantic movies ang hatid na mga pelikula ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na riyan ang Almost a Love Story na pinagbidahan ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Si Barbie ay si Baneng, isang art student at anak ng OFW na nagtatrabaho sa Italy. Magiging kaibigan niya si Iggy, karakter ni Derrick, isang Filipino-Italian na alaga ng kanyang nanay.

Parehong mahilig sa art sina Baneng at Iggy kaya kahit magkalayo at sa video calls lang nakakapag-usap, magkakaroon sila ng special bond.

Magkakaroon ba ng pagkakataon na ma-develop ang kanilang budding romance?

Abangan 'yan sa Almost a Love Story, April 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Lalo namang iinit ang panahon sa sexy romance film na Wild and Free.

Pinagbidahan ito nina Kapuso stars Derrick Monasterio at Sanya Lopez at gaganap sila bilang ex-lovers na bibigyan ng second chance ang kanilang failed relationship.

Abangan ang Wild and Free, April 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.