
Isang internationally-acclaimed film ang hindi dapat palampasin sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Tunghayan dito ang 2018 film na School Service na pinagbibidahan ni actress and comedienne Aiai Delas Alas.
Kuwento ito ng isang bata na dinukot habang naglalakad pauwi mula sa eskuwelahan. Dadalhin siya sa Maynila at gagawing pulubi na magtatrabaho para sa isang small-time na sindikato.
Dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikula, hinirang si Aiai Delas Alas bilang Best Actress sa Director's Week ng 2019 Fantasporto sa Portugal.
Nakakuha naman ng NETPAC Award Special Mention sa 2019 Asian Film Festival sa Barcelona ang direktor nitong si Louie Ignacio.
Abangan ang School Service, March 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang surfing movie na Flotsam nina Solenn Heussaff at Rocco Nacino.
Tungkol naman ito sa iba't ibang turista sa surf town ng San Juan, La Union.
Isa na rito si Kai, karakter ni Solenn, isang architect na nagbakasyon muna para magpalamig ng ulo matapos ang kanyang engagement. Makikilala niya sa La Union ang bartender na si Tisoy, role naman ni Rocco.
Magiging permanente ba o lilipas din ang pag-ibig at pagkakaibigan na mabubuo sa tourist hotspot na ito?
Abangan 'yan sa Flotsam, March 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.