GMA Logo Sunod horror movie in I Heart Movies digital channel
What's on TV

Horror drama movie na 'Sunod,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published October 31, 2023 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Sunod horror movie in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang horror drama movie na 'Sunod' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

May post-Halloween treat ang digital channel na I Heart Movies para sa horror movie fans.

Mapapanood kasi ang horror drama movie na Sunod, starring Carmina Villarroel, dito ngayong linggo.

Kuwento ito ng single mother na may bedridden na anak kaya mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center. Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.

Abangan ang Sunod, November 2, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa coming-of-age films, nariyan ang Black Lipstick, ang reimagined version ng hit 1986 film na Blusang Itim at updated para sa millennials ngayon.

Tampok dito si Kapuso actress Kyline Alcantara bilang Ikay, isang teenager na may kundisyong vitiligo kung saan tila patsi-patsi ang kulay ng kanyang balat. Dahil sa kundisyong ito, nakararanas si Ikay ng bullying sa kanilang eskuwelahan at maging sa social media accounts niya.

Makakahanap siya ng isang mahiwagang itim na lipstick na may kapangyarihang magbigay sa kanya ng flawless na balat.

Bubuo si Ikay ng panibagong persona, ang social media influencer na si Jessie. Pero gaano katagal niya kayang pangatawanan ang double life na ito?

Makakasama ni Kyline sa pelikula sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at Snooky Serna na bahagi ng orihinal na pelikulang Blusang Itim.

Huwag palampasin ang Black Lipstick, November 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.