
Matapos aminin ni Iñigo Mapa ang tunay na nararamdaman para sa frontliner nurse na si Lea Carbonel, nagulantang naman siya sa balitang babago sa buhay niya.
Isang buwan na pala mula nang bawian ng buhay si Lea dahil sa COVID-19.
Lingid ito sa kaalaman ni Iñigo dahil mahigit isang buwan din niyang iniwasan si Lea nang malaman niyang pilit siyang inilalapit ng dalaga sa nanay niyang hindi pa niya napapatawad dahil sa pang-iiwan nito noon sa kanya.
Dito na nalaman ni Iñigo na kaluluwa na lamang pala ni Lea ang nakasama niya noong gabing inamin niyang mahal niya ito.
Labis na sakit at panghihinayang ang naramdaman ni Iñigo.
Panoorin ang makabagbag-damdaming tagpo na ito sa video sa itaas.
Samantala, kung nabitin kayo sa I Can See You: Love On The Balcony nitong October 2, narito pa ang ilang tagpo sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!