TV

'Love On The Balcony', a story about hope, forgiveness, self-discovery, and love

By Dianara Alegre
Ayon kay Alden Richards, ang 'Love On The Balcony' ay “a story about hope, forgiveness, self-discovery, and love.”

Ipalalabas na sa Lunes, September 28, ang pinakabagong handog ng GMA Telebabad sa paglulunsad ng drama anthology na sa I Can See You.

Binubuo ito ng apat na mini-series, ang “Love On The Balcony,” “High Rise Lovers,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”

Ang unang installment, ang “Love On The Balcony” ay pinagbibidahan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Kapuso hunk Pancho Magno at Kapuso leading lady Jasmine Curtis-Smith.

Makakasama rin nila rito sina Denise Barbacena at Shyr Valdez.

I Can See You Love On The Balcony cast

Source: shyrvaldez (IG)

Si Alden ay gaganap bilang si Iñigo Mapa, isang wedding photographer na mai-in love sa isang frontliner nurse na si Lea Carbonel na gagamapanan naman ni Jasmine.

Ayon kay Alden, hindi lamang kuwento ng pag-ibig ang serye.

“Moreover being a story of the current times, siguro 'yung inspiration niya. Inspirational kasi 'yung dulong part ng story namin. It's really about the pandemic. It's really a story about hope, forgiveness, self-discovery, love, nandiyan 'yan and 'yung paglaban natin sa araw-araw,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Laking tuwa naman ni Jasmine nang ibinigay sa kanya ang role. Dagdag pa niya, hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang proyekto dahil humanga siya sa istorya at inspirasyong hatid nito.

“To be able to portray that role, lalo na sa panahon ngayon, it's so minimal, it's so minute compared to what they really are doing sa mundo, sa mga taong nangangailangan ng tulong ngayon sa pandemyang ito.

“Maraming salamat because they are able to write something so beautifully and present it in a different language. The language of love,” lahad ng aktres.

Jasmine Curtis Smith at Alden Richards

Jasmine Curtis Smith at Alden Richards

Tampok rin sa dito si Pancho bilang si Val Valdez, ang best friend ni Iñigo Mapa at siya ang naging daan para magkakilala sina Iñigo at Lea.

“Optimistic, romantic na parang lahat tayo may soulmate, mabilis ma-in love. Siguro nakaka-relate dahil siyempre kapag in love ka, nagugustuhan mo na rin 'yung mga gusto niya,” aniya sa kanyang role.

Frontliner nurse rin dito si Denise sa katauhan ni Deedee Carbonel. Pinsan at matalik na kaibigan siya ni Lea.

“Very much close sa aking puso dahil matagal akong nag-aral sa course na medical technology. I have friends na frontliners, nurses and even doctors. Very personal siya sa akin,” sabi ng aktres.

Gaganap si Shyr Valdez bilang si Connie Mapa sa serye. Siya ang inang maysakit ni Iñigo at pasyente ni Lea.

“Makikita nila dito na kahit mahirap ang buhay, iba pa rin 'yung 'pag na-in love ka. Iba pa rin 'yung may nagpapakilig sa 'yo, mayroon kang tinitingnan tomorrow na panibagong inspirasyon para sa 'yo at sa pamilya mo,” dagdag pa niya.

Sa direksyon ni LA Madridejos, magsisimula nang ipalabas ang I Can See You: Love On The Balcony sa Lunes, September 28, sa GMA Telebabad.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.