Behind-the-scenes of 'I Can See You Season 2: On My Way to You'
Malapit nang magbalik-telebisyon ang ground-breaking drama mini-series na 'I Can See You' na unang umere sa GMA Network noong Setyembre ng nakaraang taon.
Bilang unang handog sa ikalawang yugto ng 'I Can See You,' inihahandog ang istoryang aantig sa inyong mga puso.
Tampok sa unang installment ng four-part drama mini-series ang “On My Way to You” na pagbibidahan nina Shaira Diaz at Kapuso hunk Ruru Madrid.
Tungkol ito sa istorya ni Raki (Shaira), ang runaway bride na naging viral online matapos kumalat ang video ng kanyang pag-urong sa araw ng kanyang kasal.
Marami ang bumatikos sa naging desisyon niya at upang lumayo sa lahat ng bashing na natatanggap ay nagpakalayo-layo muna siya at nagtungo sa liblib na lugar kung saan tahimik lamang ang buhay.
Doon ay makikilala niya si Jerrick (Ruru), ang groom na tinakasan naman sa araw ng kasal ng kanyang fiancée. Paano nila matututunang unawain at mahalin ang isa't isa gayung matindi pa rin ang epekto sa kanila ng kanilang nakaraan? Ano ang kahihinatnan ng kanilang pagkakakilala?
Bukod kina Shaira at Ruru, kasama rin sa cast ng serye sina Arra San Agustin at Gil Cuerva habang may special participation ang bagong Kapuso star na si Richard Yap at ang aktres na si Malou de Guzman.
Mula sa direksyon ni Mark Reyes, mapapanood na ang “On My Way to You” simula March 22.
Silipin ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng mini-series sa Antipolo:
Racquel "Raki" Buena
Gagampanan ni Shaira Diaz ang role ni Raki. Idealistic pagdating sa love kaya ang pagiging wedding planner ang pinili niyang career. Pero bakit nang siya na ang ikakasal ay tinakasan niya sa altar ang fiancé niya?
Jerrick Alfonso
Ang karakter ni Jerrick ay gagampanan ni Ruru Madrid. Isa siyang architect. May pagka-misteryoso, masungit at bastos din ito. Ang pag-uugali niyang ito ay dulot ng pagkabigo niya sa pag-ibig nang takbuhan siya ng babaeng pakakasalan niya.
Albert Manansala
Ang Kapuso hunk na si Gil Cuerva naman ang tampok sa role ni Albert Manansala, ang itinuturing na perfect guy to the point na boring na. Siya ang fiancé ni Raki.
Tammy Razon
Si Tammy Razon ang fiancée ni Jerrick na nang-iwan sa huli sa altar. Natakot siyang tuluyang magpakasal kay Jerrick kaya nagtungo siya sa U.S.. Gagampanan ni Arra San Agustin ang karakter na ito.
George Alfonso
Si George Alfonso ang widow dad ni Jerrick. Isa rin siyang architect na may-ari ng isang firm. Si Richard Yap ang gaganap sa karakter ni George.
Manang Baby
Si Manang Baby, gagampanan ng aktres na si Malou de Guzman, ang caretaker sa mountain resort na tinitigilan ni Raki matapos nitong magpakalayo-layo dahil sa malalang bashing na natanggap online.
Perfect couple?
Para sa marami, perfect couple raw sina Raki at Albert. Magkatuluyan kaya ang dalawa hanggang sa huli?
Directing tips
Nagbahagi ang award-winning director na si Direk Mark Reyes ng ilang directing tips and hacks kabilang na ang pagkuha ng top shot ng natutulong na karakter.
Tree-planting activity
As a show of appreciation, nagsagawa ng tree-planting activity ang cast at staff sa set ng “On My Way to You” sa Antipolo.