Hula Who: Sexy actress, anak pala ng isang pastor

Mainit ang rebelasyon ng sexy actress nang bumisita ito sa high-rating showbiz talk show ni Boy Abunda nitong Huwebes, October 3.
Ang naturang sexy star ay isa sa mga sikat na talents na napapanood sa Vivamax, kung saan pinag-uusapan ang kanyang mga pelikula rito.
Nakatrabaho pa ng dalaga ang late multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa pelikulang “Call Me Alma.”
Bumida rin siya sa ilang pang sexy films tulad ng “Pamasahe” at “Sugar Baby.”
Natanong ni Boy ang Vivamax star kung ano naging reaksyon ng magulang niya sa pagpapa-seksi niya at dito nalaman ng publiko na isa palang pastor ang kaniyang ama.
Ayon sa kaniya, proud ang mga magulang siya sa napili niyang career path.
“Katulad po ng sinabi ko kanina, hindi ko rin talaga alam kasi yung nakakausap lang namin [ay] 'yung tito niya na pastor din. Nagkausap sila ni Mama, tapos proud sila. Hindi nila ikinakahiya na nag-Vivamax ako kasi alam naman nila na hindi siya pang-forever stepping stone lang siya.”
Balikan ang full interview ng King of Talk sa sexy actress sa 'Fast Talk' sa video below.
Balikan ang pagbisita ni Azi, kasama si Robb Guinto, sa Fast Talk With Boy Abunda:






