Hula Who Beteranang Aktres naglayas
TV

Hula Who: Beteranang aktres, naglayas noon dahil sa 'chismis' tungkol sa pamilya

By Kristine Kang
Sino kaya itong aktres na bumyahe pa-Maynila dahil sa panghuhusga ng mga tao sa kanyang pamilya?

Kilala ang beteranang aktres bilang isa sa pinakamahuhusay sa industriya, mula '70s hanggang sa kasalukuyan. Kayang-kaya niyang gampanan ang iba't ibang papel sa mga serye at pelikula, lalo na ang pagiging kontrabida.

Ngunit sa likod ng kanyang kasikatan at husay sa harap ng kamera, hindi alam ng marami na nagmula siya sa isang mahigpit na pamilya at dumaan sa matinding pagsubok bago maging isang artista.

Lumaki ang aktres sa Cebu sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang striktong ina, lolo, at lola. Dahil sa kanilang konserbatibong pamilya at komunidad na tila may "eagle eyes" sa isa't isa, mataas ang kanilang inaasahan sa kanya.

Ngunit biglang nagbago ang masayang buhay ng beteranang aktres nang naghiwalay ang kanyang mga magulang. Nasa 12 taon pa lang ang aktres noong nasira ang kanilang pamilya, kaya't halo-halo raw ang kanyang mga emosyon noon.

Aniya, "I didn't understand what was happening. Maybe I was exasperated and frustrated about parang the ideal of 'Do parents even split up?'"

Ang masakit, hindi lang sa loob ng pamilya niya naramdaman ang pagbabago. Pati sa eskwelahan, naging usap-usapan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

"Very uncomfortable na ako sa Cebu kasi ang daming talks about my parents. My classmates' parents would always say, 'Don't keep her na in your group because she's a product of a broken family. She could be bad influence.' Jinudge ka na kaagad," kuwento niya.

Dahil dito, unti-unting lumayo ang aktres sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na niya kinaya ang emosyon.

"One day I got so sick, I quit school. I ran away from home. I came to Manila with Php 50 in my pocket," pahayag niya. "I did not know what I was going to do here. Second year high school pa lang ako, paano ako magtatrabaho wala akong diploma?"

Ngunit sa kabila ng kanyang takot, pinanindigan ng beteranang aktres na manatili sa Maynila. "That's how toxic it was back home. I just wanted to get out of there, not knowing what I'm going to do, where I'll be," sabi niya.

Lumipas ang ilang taon bago niya muling nakausap ang kanyang pamilya. Nang sumikat siya bilang isang sexy actress, nanatili ang respeto ng kanyang mga magulang sa kanyang piniling karera. Hindi na rin nila muling binuksan ang usapin tungkol sa kanyang pag-alis noon.

Alamin kung sino ang beteranang aktres sa video na ito.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.