
Isa sa mga tinatangkilik na tambalan noong '80s ang dalawang singer-actor na parehong aktibo pa rin sa showbiz.
Dahil sa kanilang natural na chemistry sa harap ng kamera, hindi nakapagtataka na maraming netizens ang kinilig nang malaman na naging sila sa tunay na buhay.
Ngunit sa kabila ng kasikatan ng kanilang love team, masakit na naghiwalay ang magkasintahan. Mas naging kontrobersyal pa ang kanilang hiwalayan nang magbalik-loob ang aktor sa kanyang celebrity ex.
Ang balitang ito ay nagdulot ng matinding galit mula sa loyal fans ng love team. Marami ring nagsimulang magpahayag ng kanilang saloobin sa personal na paraan.
Sa isang panayam online, inamin ng singer-actor na naging mahirap para sa kanya ang mga reaksyon ng publiko.
"Noong time na iyon galit na galit sa amin ang tao. Alam mo ba [ang asawa ko], binabato sa labas ng studio? Binabato ng fans," pag-alala niya.
Dagdag pa niya, "'Tapos ako naman, sa kalye naglalakad ako, mga tao dinuduro ako, 'Niloko mo si [aktres]!' Ang hirap ng pinagdaanan ko. Dinuduro ako kasi ganoon kalakas 'yung love team namin."
Maraming beses din daw na sinasadya ng mga tao na itugtog ang kanta ng aktres tuwing dumadaan ang aktor sa kalye, na siyang nagpahirap pa lalo sa kanyang sitwasyon.
"Akala ko wala na 'to, tapos na (ang career ko). But I have a contract with Regal Entertainment at that time, so tuloy lang," pahayag niya. "Ang Pilipino naman madaling magalit, madali rin magpatawad. Gumawa ako ng hindi kasama ang [ka-love team ko], okay naman tumuloy naman."
Ngayon, masaya na ang dating magka-love team sa kani-kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, malaki pa rin ang respeto ng aktor sa kanyang dating kasintahan.
"Lagi kong sinasabi, kung ano man ako ngayon o narating ko, utang ko sa kanya iyon," ni ng aktor.
Sa huli, nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang dating ka-love team. "I miss you, I miss working with you. 'Pag magkakasama kami niyan parang [kaming] matagal hindi nagkita."
May hula na kayo kung sino ito? Alamin kung tama ang sagot sa video na ito.