
Kamakailan lang, masayang bumisita at nakipagkwentuhan ang kilalang singer at aktres sa YouTube channel ng kanyang celebrity friend.
Isa sa mga pinag-usapan nila ay ang kanilang matalik na pagkakaibigan, na tila may kakaibang simula.
Nang inaalala nila kung paano sila naging malapit, ibinunyag ng beteranang aktres A: “I think mas naging close tayo noong nagkaroon tayo ng same ex. I think doon nag-umpisa, no? And then somehow, yeah, we got along so well.”
Dahil sa kapareho nilang dating kasintahan, mas naging madalas ang kanilang usapan at bonding. Ayon kay aktres A, "Actually, hindi naman natin siniraan but may common kuwento lang tayo."
Dagdag pa niya, " And then from there, naging mas personal na. In other words, you shared your life with me, I shared my life with you. Tapos doon tayo naging close."
Ang kanilang kwentuhan tungkol sa kanilang ex ay nauwi sa mas malalim na pagkakaibigan. Sa sobrang close na nila sa isa't isa, madalas bisitahin raw ni aktres B ang bahay ng singer at ibinahagi ang kanyang mga personal problems dito.
"You're very inteligent talaga. Everytime na magra-rant ako sa'yo, sasabihin mo talaga sa'kin 'yung logic talaga na ipapaintindi mo sa akin step by step. " kwento ni actress B. "What I love most about you, you're the type of person talaga na you always bring out the beauty in each situation."
Isa rin daw sa mga nagustuhan ni aktres B kay aktres A ay ang positivity nito at pagiging problem solver. Sinabi pa ni aktres B na tila lucky charm siya ng kanyang kaibigan, dahil lahat ng sinasabi niyang manifestation kay aktres A ay nagkakatotoo--mula sa pagkakaroon ng awards at bagong projects hanggang sa love life.
Reaksyon naman ni aktres A sa sinabi ng kanyang kaibigan, "I'm really genuinely happy (for you) because ang sarap nu'ng feeling na it's proven na when you pray, when you claim it, at 'yun na nga when you manifest it and believe in it, talagang nangyayari."
Sino kaya ang dalawang aktres na ito? Alamin sa video sa ibaba.