
Hindi kinaya ng Your Honor host na si Tuesday Vargas ang rebelasyon sa kaniya ng kanilang guest na si Aubrey Miles. Nitong Sabado ng gabi (January 11), kasama ng former sexy actress ang mister nitong si Troy Montero nang mag-guest sa hit vodcast ng YouLOL Originals.
Juicy ang tanong ni Tuesday sa hot momma na si Aubrey na, “Sa lahat ng mga naka-love scene mo, sino ang pinakawalang kuwentang humalik?”
Pinili ng misis ni Troy na mag-'executive whisper', pero napa-sigaw ang co-host ni Buboy Villar sa ni-reveal ni Aubrey.
Sabay sabi nito, “Kilala mo 'di ba! Time natin 'yun e. Kasi, naging leading man ko siya.”
Sabat ni Madam Chair Tuesday, “Kung bumibili kayo ng Hot Topic, alam n'yo kung sino siya. Ha!”
Muling paliwanag ni Tuesday na dapat i-respeto ang opinyon din ni Aubrey sa sinabi nito sa dati niyang ka-eksena. Aniya, “Pero ano 'to ha, experience naman ito ni Aubrey igalang natin. Tsaka, tinanong natin.”
Dagdag na explanation ng resource person, “Sa movie ito, hindi ko nakarelasyon 'yan ha.”
Aubrey Miles, pinili mag-'executive whisper' sa tanong ni Tuesday Vargas
Mahulaan n'yo kaya itong dating ka-eksena ni Aubrey Miles na “waley” pagdating sa kissing scene?
Balikan ang full session nina Mr. and Mrs. Montero sa video below!
RELATED CONTENT: FUNNY PICTORIAL OF YOUR HONOR HOSTS