GMA Logo Hunk actor Hula who
What's on TV

HULA WHO: Hunk actor, na-exploit sa set ng isang pelikula noon?

By Jimboy Napoles
Published March 25, 2024 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)
Lalaki, ano ang nahanap sa lugar na tinatahulan ng kanyang mga aso? | GMA Integrated Newsfeed
January 19, 2026: One North Central Luzon Livestream

Article Inside Page


Showbiz News

Hunk actor Hula who


Inihayag ng isang hunk actor na tila na-exploit ang kaniyang kabataan noon dahil sa isang pangyayari.

Hindi napigilang ikuwento ng isang hunk actor ang kanIyang hindi magandang karanasan noon sa set ng isang pelikula kung saan tingin niya ay nagpagsamantalahan ang kaniyang kabataan.

Sa isang sikat na Kapuso talk show, sinabi ng hunk actor sa batikang TV host na isa pa sa mga namumuno ng isang film production noon ang nag-take-advantage sa kaniya.

Kuwento niya, “Kailangan kong mag-plaster. Cameo role lang ako sa movie na iyon tapos hinanap ako.

“And then pagpasok niya, sabi niya, 'O, bakit sila ang naglalagay [plaster] niyan. Ako na ang maglalagay niyan.'”

Dagdag pa niya, “Tapos feel mo na parang may something pero di ako umangal. I was too young and siyempre kumbaga sa industry natin baka sabihing ang arte naman nito.”

Ayon pa sa hunk actor, may downside din ang pagkakaroon ng matipunong katawan dahil minsan ay nai-stereotype sila sa pagpapa-sexy lang. Pero lagi niyang iniisip na ang pangangalaga sa kanIyang katawan ang nagbibigay ng kumpiyansa sa sarili.

Aniya, “Iyong mga bashers nandiyan lang talaga iyan e. But at the end of the day, kumbaga alam mo sa sarili mo na hindi ito basta katawan lang. Kumabga ito iyong gusto ko at siyempre, tumatanda ka na, gusto mo kahit papano ma-build ang confidence sa sarili mo.”

Kilalanin ang sexy actor at alamin ang kanyang buong kuwento sa video na ito: