
Isang Kapuso actress ang umamin sa kilalang content creator tungkol sa kanyang ugali kapag nagkakaroon ng crush.
Sa vlog ng naturang content creator, tinanong ang aktres kung nasubukan na niyang mag-first move sa kanyang mga naging crush.
Mabilis at diretsong sinagot ng aktres, “Never, sobrang nahihiya ako. Kapag crush ko, normally, doon ako nahihiya. Kapag hindi ko masyadong type 'yun ang nakakabiruan ko. Pero 'pag crush ko, tameme ako…”
Dagdag pa niya, “Totoo 'yan, kapag crush ko, nagpe-pretend ako na wala lang.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.7 million views ang vlog, kung saan nag-guest ang aktres.
Sa ngayon, ang Kapuso actress na ito ay engaged na sa kanyang partner na isa ring showbiz personality.
Sino kaya ang aktres na ito? Alamin sa video sa ibaba: