LOOK: Rita Avila, tinawag ng netizen na "masamang tao at buwisit"
Kasalukuyang napapanood si Rita Avila sa Kapuso morning soap na Hiram Na Anak kung saan binibigyang buhay niya ang karakter ni Hilda, ang nakatatandang kapatid ni Adrian (Dion Ignacio) na walang amor sa asawa nitong si Miren (Yasmien Kurdi).
Sa Facebook, nakatanggap ng mensahe si Rita mula sa isang netizen na tinatawag siyang masamang tao at buwisit. Ano naman kaya ang reaksiyon ng aktres dito?
Nang malaman niya na biro lang pala ito ng naturang netizen, agad naman siyang nagpasalamat sa pagsuporta nito sa kanilang show.
"Playing kontrabida is never easy. But work is work. I respect my job! And always grateful for it," pag-caption niya.
Tunghayan ang mahusay na pagganap ni Rita Avila bilang Hilda sa Hiram Na Anak araw-araw bago mag-Eat Bulaga.