WATCH: Yasmien Kurdi, alam na ang sikreto ni Mike Tan
Sa May 25 episode ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, si Ava na mismo ang nagsabi kay Thea na buntis siya at si Marco ang ama. Ito ay matapos niyang malaman na hindi inurong ni Thea ang kaso laban sa kanya, taliwas sa sinabi ni Marco.
Patuloy na panoorin ang advoca-seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.