'Hearts On Ice,' na-feature sa isang Argentinian publication
Na-feature ang Hearts On Ice sa isang international publication, ang Prensario Internacional, na naka-base sa Buenos Aires.
Sa article na inilabas ng Prensario Internacional noong March 7, prinomote nito sa kanilang website ang world premiere ng Hearts On Ice noong March 13.
Ang Hearts On Ice ang kauna-unahang figure skating series ng bansa na pinagbibidahan ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Umiikot ang kuwento ng Hearts On Ice sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro, si Ponggay (Ashley), na maging isang figure skating champion.
Kasama rin sa naturang serye ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Samantala, patuloy pa ring pinag-uusapan online ang Hearts On Ice dahil sa dekalibre at inspiring na kuwento nito.
Ani ni @arafangirlera, "Empowering for the skaters and aspiring skaters tapos uplifting din for the persons with disability. Grabe 'yung advocacy. Very eye-opening. Kudos, GMA.
empowering for the skaters and aspiring skaters tapos uplifting din for the persons with disability. grabe yung advocacy. very eye-opening. kudos, GMA. 🙌🏼💯 #HOIPonggayAtEnzo
-- ❄️ (@arafangirlera) March 16, 2023
i forgooooot empowering din ito for the musicians and aspiring musicians. this HOI show is so much more than a show! breaking all those stereotypes and unaddressed societal issues. i stan. #HOIPonggayAtEnzo
-- ❄️ (@arafangirlera) March 16, 2023
to address such issues, misconceptions in the field of music and sports, the lack of support, putting it into light thru the lens, the media, the TV, I can only hope na itong mga matatapang maiba na show na ang bagong "pang-masa" of this era. susubaybayan ko to. #HOIPonggayAtEnzo
-- ❄️ (@arafangirlera) March 16, 2023
Dagdag ni @judai6, "Ang galing talaga ng takbo ng story. Natural emarte ang casts. They nailed it!
#HOIPonggayatEnzo ang galing talaga ng takbo ng story. Natural umarte ng casts. They nailed it !👍👍
-- judes trasmonte (@judai6) March 16, 2023
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: