Skye Chua sa role na gagampanan sa 'Hearts On Ice': 'Malayong-malayo sa personality ko'
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipapamalas ni Skye Chua sa isang serye ang husay at talento sa figure skating.
Para sa mga hindi nakaaalam, si Skye ay isang figure skating champion na lumalaban sa iba't ibang local at international competitions.
Noong Nobyembre, opisyal nang pinasok ni Skye ang showbiz matapos na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center. Kabilang siya sa cast ng kauna-unahang figure skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice, na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.
Ito ang unang serye ni Skye sa GMA kung saan aniya ay talagang challenging para sa kanya.
"Of course, very challenging for me ang acting po kasi athlete naman po talaga ako and this is not may play field. So I had to go through some workshops," kuwento ni Skye sa GMANetwork.com.
Dagdag niya, "I'm lucky to have coach J there, 'yung acting coach namin sa set. He taught me na acting is about feeling it, not really expressing it through face or movements. It's more on kailangan mong i-feel para ma-express, that was one challenge to me."
Dagdag sa challenge para kay Skye ang gagampanang karakter sa Hearts On Ice kung saan aniya ay isa siya ritong kontrabida.
Sa upcoming sports drama series, mapapanood si Skye bilang Sonja, isang figure skater. "Actually po it's another side of me. Bale malayong-malayo sa personality ko."
Sa pamamagitan ng Hearts On Ice, umaasa si Skye na mas marami pa ang makakilala sa sports na 12 taon nang parte ng buhay niya--ang figure skating.
Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13 sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: