ashley ortega and xian lim
TV

Ashley Ortega, pinuri ang pagiging passionate ni Xian Lim sa figure skating

By Aimee Anoc
Updated On: January 27, 2023, 01:19 PM
Bibida nina Ashley Ortega at Xian Lim sa 'Hearts on Ice,' ang upcoming figure skating series ng GMA.

Pinuri ni Ashley Ortega ang dedikasyong ibinibigay sa figure skating ng Hearts on Ice co-star at leading man niyang si Xian Lim.

Pagbibidahan nina Ashley at Xian ang first Filipino figure skating series na Hearts on Ice, na mapapanood soon sa GMA Telebabad.

Sa panayam kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabi ni Ashley na isa sa dapat na abangan sa upcoming sports drama series ay ang tambalan nila ni Xian.

Ayon sa aktres, hanga siya sa effort na ibinigay ng aktor na matuto ng figure skating. Aniya, "Nakipagsabayan talaga si Xian."

Noong December 15, proud na ibinahagi ni Xian ang kanyang bagong achievement nang maipasa ang Pre Alpha - Delta Test, isang ice skating proficiency test, para sa preparasyon nito sa kanyang role sa Hearts on Ice.

"I hope people can appreciate his effort also kasi ang galing n'ya na. Isa na s'yang dakilang figure skater kasi nag-pass na rin s'ya ng first level sa figure skating," sabi ni Ashley.

Samantala, kasama si Ashley sa professional figure skaters na nag-perform sa Carols on Ice: Journey to a Dream, isang fundraising Christmas ice show na inorganisa ng Philippine Skating Union na layong mas maipakilala pa ang ice skating sa bansa, na ginanap noong Miyerkules, December 21, sa SM Mall of Asia.

Nakasama ring mag-perform ni Ashley sa event ang national figure skater at Hearts on Ice co-star na si Skye Chua.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.