Meet the cast of Philippines' first-ever figure skating series 'Hearts On Ice'
Handa na ang kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang 'Hearts On Ice,' na magbigay ng isang ice show na paniguradong tatatak sa mga manonood.
Pagbibidahan ito ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Ang 'Hearts On ice' ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata, na siya ring direktor ng hit series na 'Bolera' at 'First Yaya.'
Abangan ang 'Hearts On Ice,' Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Hearts On Ice
Simula ngayong March 13, mapapanood na ang Philippines' first-ever figure skating series na 'Hearts On Ice.' Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata.
Ashley Ortega as Ponggay
Si Ashley Ortega ang napiling gumanap bilang Pauline "Ponggay" Bravo, na kahit na may kapansanan ay susubukin niyang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.
Xian Lim as Enzo
Bibigyang-buhay ni Xian Lim ang cold-hearted at may pagkaaroganteng karakter ni Lorenzo "Enzo" Razon. Mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli dahil kay Ponggay. Tutol ang mommy niya sa passion niya sa musika dahil nais nitong mag-focus lamang siya sa kanilang family business.
Amy Austria as Libay
Si Amy Austria ang gaganap bilang Liberty "Libay" Bravo, ang raketerang ina ni Ponggay na dating isang magaling na figure skater. Tinalikuran nito ang figure skating matapos na traydurin ng dating kaibigang si Yvanna.
Tonton Gutierrez as Gerald
Gaganap si Tonton Gutierrez bilang Gerald Campos, may-ari ng isang construction company at kapatid ni Yvanna. Siya rin ang dating kasintahan ng ina ni Ponggay na si Libay. Sa kasalukuyan, engage siya sa ina ni Enzo na si Vivian.
Rita Avila as Yvanna
Mapapanood si Rita Avila bilang Yvanna Campos, dating figure skater at ina ni Monique. Cold, competitive, at handa niyang gawin ang lahat para maging figure skating champion ang anak. Hangad niyang pabagsakin si Ponggay dahil para sa kanya, ito lamang ang tanging paraan para tuluyang madurog ang dating best friend at ngayon ay karibal ng si Libay.
Lito Pimentel as Ruben
Gagampanan ni Lito Pimentel ang partner ni Libay na si Ruben Martinez. Siya ang kinagisnang ama ni Ponggay, na madalas mang nagigipit ay buo ang suporta nito para sa pangarap ng anak na maging isang matagumpay na figure skater.
Cheska Iñigo as Vivian
Makikilala si Cheska Iñigo bilang Vivian Razon, may pagka-controlling at manipulative na ina ni Enzo. Sophisticated at highly successful businesswoman pero sa kabila nito, absentee parent siya sa dalawang anak.
Ina Feleo as Coach Wendy
Mapapanood si Ina Feleo bilang Coach Wendy, isa sa pinakamagaling na figure skating coach sa Pilipinas. Dahil sa isang eskandalo, tatalikuran siya at iiwasan ng skating community. Hanggang sa alukin siya ni Yvanna na maging coach ng anak niyang si Monique, na nagbigay sa kanya ng panibagong pagkakataon na makabalik sa ice rink.
Roxie Smith as Monique
Ipinakikilala si Roxie Smith bilang Monique Guidote, isang figure skater na laking Amerika. Sa pag-uwi sa Pilipinas, makikilala niya si Ponggay na kalaunan ay magiging best friend niya. Pero ang hindi alam nina Monique at Ponggay na ang mga nanay nila ay mortal na magkaribal sa loob at labas ng skating rink.
Kim Perez as Bogs
Gaganap si Kim Perez bilang Salvador "Bogs" Adriano, musician at businessman. Isa siya sa best friends ni Enzo at admirer ni Ponggay.
Ruiz Gomez as Oliver
Mapapanood si Ruiz Gomez bilang Oliver Ramirez, isa sa matalik na kaibigan at executive staff din ni Enzo.