Cheska Iñigo on her last taping day for 'Hearts On Ice': 'Mami-miss ko kayong lahat!'
Para sa seasoned actress na si Cheska Iñigo, "grateful at blessed" siya sa masayang pamilyang nakasama niya sa Hearts On Ice.
Kuwento ng aktres, balewala ang pagod dahil enjoy siya sa masaya at magandang samahan ng cast ng Hearts On Ice.
Sa huling araw ng taping niya sa Hearts On Ice, ipinarating ni Cheska ang pagmamahal niya at pasasalamat. Sulat ng aktres, "Mami-miss ko kayong lahat! Stay safe my 'Hearts On Ice family.' Mahal ko kayo."
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Cheska ang larawang kuha sa set kung saan kasama niya ang co-stars na sina Ashley Ortega, Xian Lim, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Roxie Smith, at Hannah Arguelles.
"Heto po kami, sama-sama sa hirap at ginhawa. It may sound cliche at alam kong gasgas na gasgas na ang #grateful at #blessed, but that is really how I feel about my 'Hearts On Ice' family," sabi ng aktres.
"It's been a great ride, one I am grateful for many reasons. Sana matutunan niyo rin mahalin si Vivian as I have."
Sa Hearts On Ice, napapanood si Cheska bilang Vivian, ang may pagka-controlling at manipulative na ina ni Enzo (Xian Lim).
Patuloy na subaybayan si Cheska sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG FIGURE SKATING EXHIBITION NINA ASHLEY ORTEGA AT SKYE CHUA SA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE DITO: