Xian Lim takes a trip down memory lane with his skating photo from 20 years ago
Tila isang "tadhana" na itinuturing ni Xian Lim ang mapasama sa cast ng Hearts On Ice, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong matutong mag-skate.
Sa Instagram, isang throwback photo ang ibinahagi ni Xian kung saan makikita siyang nasa loob ng ice rink.
Kuwento ng aktor, "Sharing with you all a picture @mommymaryanne shared with me. Nahanap niya sa baul. Ever since I was a kid, I wanted to learn to skate on ice. Finally, around 20 years later, I've been given a chance to learn for a TV series.
"Fate works in mysterious ways. We don't get what we want right away but we eventually end up with where we're supposed to be."
Bilang preparasyon sa kanyang role sa Hearts On Ice, nag-train ng ilang buwan ang aktor para matuto ng figure skating at ice hockey. Bumili rin siya ng sariling skates at proud na naipasa ang kanyang Pre Alpha- Delta Test, isang ice skating proficiency test, noong nakaraang taon.
Patuloy na subaybayan si Xian bilang Enzo sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG ILANG 'POGI' PHOTOS NI XIAN LIM SA GALLERY NA ITO: