GMA Logo xian lim on hearts on ice
What's on TV

'Hearts On Ice' viewers, napa-'penge oxygen' sa kilig na pag-amin ni Xian Lim

By Aimee Anoc
Published May 4, 2023 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

xian lim on hearts on ice


Balikan ang mga nakakikilig na eksena nina Ashley Ortega at Xian Lim sa 'Hearts On Ice' noong Miyerkules dito.

Kilig overload ang netizens sa ginawang pag-amin ni Enzo (Xian Lim) kay Ponggay (Ashley Ortega) noong Miyerkules sa Hearts On Ice.

Sa episode 36 ng Hearts On Ice, ipinarinig ni Enzo kay Ponggay ang kantang isinulat niya para sa dalaga, ang "My Muse."

Habang isinasayaw si Ponggay sa ice rink, dito na rin ipinagtapat ni Enzo ang tunay niyang nararamdaman.

Komento ng ilang netizens, "This is the most kilig episode of Hearts On Ice," "Penge oxygen," "Nag-enjoy talaga ako sa [episode] tonight!"

Ngayong Huwebes, simula na ng opisyal na panliligaw ni Enzo kay Ponggay. Makuha na kaya niya ang matamis na oo ng dalaga? Ano na kaya ang gagawin ni Bogs (Kim Perez) ngayong nanliligaw na si Enzo kay Ponggay?

Patuloy na subaybayan ang gumagandang kuwento ng Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

MAS KILALANIN SI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: