Ipinanganak si Rachel mula sa pamilya ng mga kasambahay kaya hindi nakapagtataka na ito rin ang kanyang naging kapalaran nang kupkupin siya ng isang matandang bading - si Domeng.
Maagang naulila si Rachel kung kaya’t ang amo niyang si Domeng na ang itinuring niyang pamilya. Maging si Domeng ay anak na rin ang turing sa kanya. Kaya naman nang mamatay si Domeng, iniwan niya ang lahat ng kaniyang ari-arian kay Rachel. At dahil sa mga minana ni Rachel, magiging target siya ng isang small-time lawyer - si Michael.
Sa simula ay mabait si Michael kay Rachel. Pero bawat galaw niya ay kalkulado na para mahulog ang loob ng dalaga sa kaniya. At magtatagumpay siya— ang walang-malay na si Rachel ay magkakagusto nga sa kaniya.
Mamadaliin ni Michael ang love story nila ni Rachel para ikasal sila agad, para makuha niya agad ang kayamanan ni Rachel at para hindi malaman ng babae ang totoo: na hindi siya ang talagang mahal ng lalaki. Ang katotohanang ay may nobya na ito - si Nimfa.
Mamahalin ni Rachel nang totoo si Michael at magkaka-anak sila - si Michaela. Sa pagdating ng batang ito sa kanilang buhay, dito na iikot ang mundo ni Rachel. Kay Michaela siya bubuo ng pangarap at magandang buhay na hindi niya naranasan noon.
Ang hindi niya alam, nagbalik na pala ang nobya ni Michael na si Nimfa. Nagkasundo sina Nimfa at Michael na lokohin si Rachel at unti-unting kunin ang mana niya. Nagtagumpay si Michael sa makasarili niyang balak laban kay Rachel—nakuha niya ang lahat sa babae maging si Baby Michaela.
Ngunit para kay Rachel, wala na siyang paki-alam sa yaman na nakuha sa kanya, pero hindi siya papayag na pati ang anak ay mailayo sa kaniya kaya hahanapin niya si Michael. Masusundan niya ito sa bahay na binili para kay Nimfa. Dito niya mahuhuli sa akto na nagtatalik sina Michael at Nimfa. Aawayin ni Rachel ang dalawa.
Makukulong si Rachel at ang kanyang kaibigang si Alice ang aako upang alagaan ang kanyang anak.
Samantala, nakunan naman si Nimfa dahil sa engkwentro kay Rachel. Nais niyang maghiganti dito kaya’t ninakaw niya si Baby Michaela habang nasa poder ito ni Alice. Pinapa-dispatsa ni Nimfa si Baby Mikaela sa kanyang kaibigan – si Kleng. Kukupkupin niya ang bata at tatawagin niya ang anak ni Rachel na Liza.
Pero sa paglipas ng isang taon ay magkakaroon rin ng sariling anak si Kleng - si Chloe. Dito na ibubuhos ni Kleng ang lahat ng kalinga at pagmamahal niya; walang matitira para kay Liza.
Sa paglaki ni Liza, lalaki rin ang kaniyang longing para makaranas rin ng pagmamahal ng isang ina. Kaya ultimo ang pagiging mabait sa kaniya paminsan-minsan ni Kleng ay tinatanggap na niya bilang pagmamahal, bagay na kinaiinisan ni Chloe. Kaya naman laging gumagawa ng kabulastugan ang dalagita para kagalitan ni Kleng si Liza at para mapalayas niya ito. Nagtagumpay si Chloe at pinaalis ng bahay si Liza.
Samantala, mayaman na si Nimfa ngayon at tumatayo na rin siyang bilang ina sa kaniyang stepson na si Jay. Hindi alam ni Nimfa na ang kaniyang kinuhang katulong, si Liza, ay siya rin palang anak ng kinamumuhian niyang si Rachel.
Sa pagpasok ni Liza kina NImfa, makikilala niya si Jay at magkakagustuhan sila. Ngunit hindi magiging madali ito dahil ang gustong babae ni Nimfa ay ang anak ni Kleng na si Chloe. Hindi rin alam ni Liza na may nakaraan din pala sina Jay at Chloe.
Samantala, matapos ng maraming taong pagkakabilanggo, makalalaya na rin si Rachel. At isang araw ay makikilala niya si Liza, na isang dalagang napabayaan at inalipin. Mapapalapit ang loob ni Rachel sa dalaga at mamahalin niya ang bata na parang tunay na anak—not knowing na ito na nga ang anak na matagal na niyang gustong makasamang muli.
Ano ang gagawin ni Nimfa kung malaman niya na ang kanyang maid na si Liza ay napalapit na sa kanyang tunay na Ina? Mababawi ba ni Rachel ang anak na ipinagkait sa kaniya? At magagawa bang lampasan ng pagmamahalan nina Liza at Jay ang mga galit at hinagpis na namamagitan sa kanilang mga pamilya?