Article Inside Page
Showbiz News
Ano kaya ang natutunan ng dalawa mula sa mga ito?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Nagsimula sina
Healing Hearts stars Kristoffer Martin at Joyce Ching sa showbiz sa murang edad kaya't inaamin nila na mayroon silang pagkakamali noong mga panahong nag-uumpisa pa lamang sila sa industriya.
READ: Healed na ba ang hearts nina Kristoffer Martin at Joyce Ching?
Dahil mga bata pa noon, tanging pag-arte lang daw ang focus nila noon at hindi sila nakikialam sa mga tao sa kanilang paligid.
"Kasi dati, sobrang wala talaga akong pakialam na okay narito lang ako para umarte, mag-a-artista lang ako," pag-amin ni Joyce.
Ani Kristoffer, "Before kasi 'pag sinabing ganito lang, 'yon na 'yung gagawin mo eh."
Pero ngayon daw na matagal na silang nasa showbiz, marami na raw silang na-realize. "Na-a-appreciate ko na lahat ng trabaho ng bawat tao na kung wala 'yung hardwork ng isa, sobrang lalaglag talaga lahat. So 'yon siguro 'yung pinaka natutunan ko sa buong acting career ko," saad ni Joyce.
Malaki na rin daw ang pinagbago ni Kristoffer. Aniya, "Conscious ako sa ginagawa ko ngayon. Natutunan ko sa process nitong sistemang ito na I know na nag-go-grow ako. Doon ako happy na aware ako sa mga maling ginagawa ko na next time [ay] babaguhin ko na."