WATCH: Gardo Versoza, from hot actor to wedding gown designer?
Problemado ang bride-to-be na si Lav. Hindi alam ng fiancée ni Vio kung ano'ng klaseng wedding gown ang isusuot niya sa kaniyang dream wedding.
Maging sagot kaya sa wedding woes ni Lav ang beki nilang bisita sa bahay o magdulot lamang siya ng mas malaking problema?
Isang nakakatawang episode na naman ang handog nina Bossing Vic Sotto at Comedy Queen Aiai delas Alas this Sunday night, dahil makakasama nila ang Destined To Be Yours actor na si Gardo Versoza.
Huwag ilipat ang channel, mga Kapuso, at pagpatak ng 6:45 P.M. ay yayain ang buong pamilya at manood sa nakaka-good vibes na episode ng Hay,Bahay!
MORE ON 'HAY,BAHAY!':
READ: What's stopping Kristine Hermosa from doing another teleserye?
READ: Why did Kristine Hermosa choose to do 'Hay, Bahay!' over return to ABS-CBN
LOOK: 8 heart-melting photos of Kristine Hermosa and Oyo Sotto's Baby Vin