What's on TV

READ: Wally Bayola, good provider sa kanyang pamilya

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 10, 2017 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"...Basta lahat ng kinikita ko dun sa nanay ng mga anak ko, sa kaniya lahat." - Wally Bayola    

At this time, wala daw plano ang magaling na comedian at Hay, Bahay! star na si Wally Bayola na pumasok sa isang business o mag-invest.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Wally nang mag-set visit ang team sa taping ng Sunday night sitcom niya sa Sucat, Parañaque last week, umamin ito na halos buong kinikita niya sa showbiz ay binibigay niya sa nanay ng mga anak niya na si Riza Ruen Bayola. 

 READ: Is Wally Bayola still bothered by the rival program of 'Hay,Bahay!'? 

“Ang ginagawa ko, lahat, basta lahat ng kinikita ko dun sa nanay ng mga anak ko, sa kaniya lahat. Para at least hindi ko na rin iniisip. Kung sila may business, mag-business sila. Pero ako okay na rin ako basta mayrun lang din akong pambayad sa apartment ko pangkuwan ko ganun lang, basta sa kanila lahat 'yan.”

Kung sakali man daw na magnegosyo ito maaring ang anak na lang niya na kumukuha ng culinary ang tutulungan niyang magtayo ng isang restaurant.

“'Yung anak ko 'pag nakatapos ng culinary siguro siya na ‘yung magtatayo. Kasi kung halimbawa ako magpu-put up ng business, hindi ko naman makikita, mababantayan [wala din]. Businessman na mismo nagsabi niyan sa akin, so pag business dapat hands on ka. Kung gusto mo kainan, hanggang sa pagma-market, pagbabantay diyan, pagluluto, alam mo.”

Samantala, naiisip din daw nila ng JoWaPao na magkaroon ng sarili nilang business venture in the future. “Pero in time siguro, ‘yung kaming tatlo na parang, mayrun din kaming parang baby, na eto ‘yung negosyo namin. In time siguro.”

MORE ON 'HAY, BAHAY!':

READ: What's stopping Kristine Hermosa from doing another teleserye?

READ: Why did Kristine Hermosa choose to do 'Hay, Bahay!' over return to ABS-CBN                          

LOOK: 8 heart-melting photos of Kristine Hermosa and Oyo Sotto's Baby Vin