Happy ToGetHer: Debby, feeling yayamanin habang wala si boss
May instant day off ang pretty kasambahay na si Debby (Sanya Lopez), matapos umalis ang kaniyang amo na si Mr. Agoncillo.
At siyempre, feeling mayaman ito at ginamit ang amenities ng mansyon para makapag-relax.
Pero tila napurnada ang mga plano niya pagdating ng guwapong mekanikong si Julian (John Lloyd Cruz). Malaman kaya niya na nagpapanggap lamang siya?
Balikan ang mga nangyari sa high-rating episode ng Happy ToGetHer noong nakaraang Linggo sa video sa ibaba:
Julian, makina ang kakalikutin, hindi 'yung kasambahay!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
Kanin na lang ang kulang, Debby!
Mga kolokoy na kriminal, nagpagalingan!
Boss Mike, na-vacuum ang abo
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.