
Dadamayan nina Julian (John Lloyd Cruz) at mga katrabaho nila sa motorshop si Pam (Ashley Rivera) na fresh from her breakup.
Kaya itong si Mike (Jayson Gainza), yayain ang mga katrabaho sa isang restaurant kung saan puwede magbasag ng plato at basa, para mailabas ni Pam ang sama ng loob sa nangyari sa kaniyang relasyon.
Maging successful kaya ang “Operation: Moving On” nila Julian (John Lloyd Cruz) para sa kanilang kaibigan?
Balikan ang mga nangyari sa high-rating episode ng Happy ToGetHer last August 28 sa video below.
Oplan: 'Move-On' gone wrong!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
Big boy Josie, binugbog si Emman
Emman at Josie, inlove sa isa't isa?
Fliptop rap battle nina Pam at Basura
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.