
May mission si Julian (John Lloyd Cruz) na alisin ang breakup blues ng isang kaibigan sa episode ng Happy ToGetHer this Sunday night.
Dumadaan sa malungkot na breakup si Pam (Ashley Ortega) at gusto ni Julian na i-cheer up ang katrabaho.
Ano kaya ang maiisip niya para matulungan ang kaibigan?
Samantala, mukhang malo-love at first sight ang kaibigan ni Kanor (Kleggy Abaya) na si Emman (Empoy Marquez) sa ating little lady na si Josie (Jo Berry).
Pero may chance kaya silang dalawa kung hinahanap siya ng galit na galit na muscled guy na si Bunso (Eric “Eruption” Tai) para singilin sa utang niya?
Tutukan ang pagbisita ni Little Princess star Jo Berry sa Happy ToGetHer together with Empoy Marquez and Eric “Eruption” Tai.
Ngayong August 28, bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa oras na 7:40 p.m.
ALAMIN KUNG SINU-SINO ANG CO-STARS NI JOHN LLOYD CRUZ SA HIT KAPUSO SITCOM: