Happy ToGetHer: Liz, makikilala ang isang babae mula sa past ni Benj
Masarap na usapan ang mapapanood natin sa Happy ToGetHer this Sunday night dahil may makikilala si Julian (John Lloyd Cruz) na isang magaling na home cook.
Ipapakilala ni Julian si Gwen (Gabbi Garcia) sa kapatid niya na si Liz (Miles Ocampo) para ito ang mag-supply ng pastries sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho.
Dito, maikukuwento ni Gwen kay Liz ang isang tao na tinuturing niyang TOTGA at laking gulat ng kapatid ni Julian na magkakilala pala sina Gwen at Benj (Khalil Ramos).
Ano ang koneksyon ng dalawa?
Mukhang nangangamoy selosan ang episode natin sa Happy ToGetHer.
Kaya tutukan ang special guests natin for this week, ang mga bida ng primetime series na Love You Stranger na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos!
Ngayong Sunday night, June 12, before Kapuso Mo, Jessica Soho.
Alamin kung sinu-sino ang co-stars ni John Lloyd Cruz sa hit Kapuso sitcom sa gallery na ito!