Faith Da Silva, natupad ang pangarap na makatrabaho si John Lloyd Cruz
Masayang-masaya si Kapuso actress Faith Da Silva sa pagkakataon na makatrabaho ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.
Sa Instagram post, makikitang magkasama sa set ng pinakabagong sitcom ng GMA na Happy ToGetHer sina Faith at John Lloyd.
"A dream come true," caption ng aktres.
Special guest si Faith ngayong January 2 sa Happy ToGetHer. Bukod kay John Lloyd, makakasama rin ng aktres sa sitcom sina Carmi Martin, Ashley Rivera, Jenzel Angeles, Miles Ocampo at Janus del Prado.
Samantala, patuloy na mapapanood si Faith sa Las Hermanas bilang si Scarlet, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime.
Tingnan ang naging bakasyon ni Faith Da Silva sa Siargao sa gallery na ito: