Janus del Prado at Kleggy Abaya, nagkuwento tungkol sa big project ng GMA-7 na 'Happy ToGetHer'
Kung good vibes ang hanap n'yo sa Sunday primetime, puwes sagot na 'yan ng mga co-star ng award-winning TV idol na si John Lloyd Cruz sa Happy ToGetHer.
Makakasama ng multi-awarded showbiz personality sa kanyang comeback TV project with GMA-7 ang versatile actor na si Janus del Prado at band vocalist na si Kleggy Abaya.
Last month, nagkaroon ng pagkakataon ang GMANetwork.com na makapanayam ang dalawa sa pictorial ng kanilang sitcom na idinaos sa GMA Network at aminado si Kleggy na gaganap bilang warfreak delivery rider na si Kanor na nakakapanibago para sa kaniya na tumapak sa GMA-7 compound for the first-time.
Nakangiting kuwento ni Kleggy, “Well first-time ko pumasok kanina, dahil medyo naligaw ako. Pero, masaya kasi napaka-welcoming nila kaya salamat sa pag-welcome sa amin dito."
Dagdag niya, “Sana magtuluy-tuloy itong gagawin natin.”
Kasama din sa cast ng Happy ToGetHer si Janus del Prado na nakasama na rin ni John Lloyd sa ilang projects.
May pahapyaw na siya sa magiging role niya bilang si T.G. sa show.
Kuwento ni Janus, “Kasi ako 'yung friend ng lahat and parang sounding board din ni JLC when kailangan niya ng clarity. Bagong-bago 'di ba? Never ko pa nagawa 'tong role na 'to. And never with JLC."
Biro pa ni Janus, “Bago ito para sa akin. I'm trying something new na will get me out of my comfort zone. Basta kaibigan ako ng buong barangay and ako 'yung nagiging sounding board ni JLC kapag kailangan niya malinawan sa mga bagay-bagay.”
Excited din siya na makilala nang husto ng mga Kapuso ang binuo nilang community sa show at ang mga karakter na sasamahan kayo linggo-linggo.
Saad ni Janus, “Inexplain naman din ni Direk Bobot at ni John Lloyd na hindi lang 'yun about his story. It's the story of the community and how they affect each other's lives.”
Narito ang pasilip sa behind the scenes ng taping ng Happy ToGetHer:
Don't miss the world premiere of Happy ToGetHer, this Sunday night before Kapuso Mo, Jessica Soho.