Dahil sa obsesyon ni Odessa kay Larry, sisikapin niyang sirain ang pagsasama nila ng asawa nitong si Evelyn.
Makukuha ni Odessa ang kanyang pagkakataon habang namamasyal si Larry sa mall kasama ang musmos nitong anak na si Ana.
Dudukutin ni Odessa ang bata at dadalhin sa probinsya. Itatago niya ito sa isang abandonadong warehouse at paminsan-minsang hahatiran ng pagkain.
Sisisihin ni Evelyn si Larry sa pagkawala ng kanilang anak. Ang hindi batid ng mag-asawa, tatanda ang kanilang nag-iisang anak na walang anumang pag-aaruga at walang kasama maliban sa isang aso.
Dahil dito, magiging asal-hayop si Ana. Magagaya niya ang kilos ng isang aso dahil sa loob ng matagal na panahon, ito lang ang makakasama nito.
Isang gabi, makakatakas si Ana mula sa warehouse at mapapadpad sa gubat. Dito siya matatagpuan ni Calvin, isang psychology student.
Magpapasya naman si Calvin na dalhin si Ana sa Maynila para gawing case study.
Si Calvin na ba ang susi para sa rehabilitasyon ni Ana? Makakabalik na ba siya sa kanyang mga magulang na sina Larry at Evelyn na sabik na sabik sa kanya?
Matuturuan bang magmahal ang pusong hindi nakaranas ng pagmamahal?
Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.