TV

Karakter ni Bea Binene sa 'Hanggang Makita Kang Muli,' magiging matapang na!

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: November 7, 2020, 10:18 PM

Palaban na si Angela!

 

A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 

Ayon sa Kapuso teen star na si Bea Binene, kaabang-abang raw ang mga susunod na mangyayari sa kanyang karakter na si Angela sa Hanggang Makita Kang Muli dahil matutunan niya nang ipaglaban ang kanyang sarili.

Matatandaang inabuso si Ana at naging isang feral child kaya babalikan niya ang mga taong nagmaltrato sa kanya, “Nabasa ko ‘yung script namin ngayon, magiging palaban na ‘yung character ko [na] si Angela.”

READ: Netizens, naawa sa character ni Bea Binene sa ‘Hanggang Makita Kang Muli’

Ngayong nakaahon na sa lupa ang kanyang karakter, binalikan ng aktres ang kanyang pagganap bilang isang taong may asal hayop. Kuwento niya sa Unang Hirit, “Ang hirap physically, psychologically, emotionally kasi palagi ka naka-on fours.”

 

Morning chikahan sa tindahan! ???????????? #UnangHirit #BeaBineneOnUH

A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 

Inilarawan niya pa ang kanyang mga naging karanasan, “Parang aso talaga, palagi kang nakaluhod, nakakaitim ng tuhod [at] ang pangit na ng legs ko kasi puro kagat na ng kung ano-ano tapos mahirap kasi ang state of being niya [ay] iba [tulad ng] pag-iisip [at] emosyon.”

READ: Bea Binene, para daw nagwo-workout habang nagte-taping para sa ‘Hanggang Makita Kang Muli’ 

Sa sobrang pag-focus niya sa kanyang pagganap, hindi na raw sila masyadong nag-uusap ng kanyang leading man na si Derrick Monasterio, “Nagkikita lang kami ‘pag nagbabatian lang kami tapos hindi na kami mag-uusap kasi parang palagi kaming naka-focus, parang nape-pressure kami [kaya] seryoso kami.”

Mabuti na lang, nagkakaroroon sila ng bonding time sa isa pa nilang show. “Sa Vampire [Ang Daddy Ko] kasi lagi kaming nagkukulitan, parati mo kaming [nakikitang] nagtatakbuhan [at] naghahabulan sa set.”

Bukod sa morning chikahan, nag-alay pa ng isang kanta ang dalaga para sa viewers ng Kapuso network.

 

Early morning kantahan with @beabinene! ???????? #BeaBineneOnUH

A video posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 

MORE ON BEA BINENE:

Bea Binene, hindi raw madaling ma-fall sa kanyang leading man

Barbie Forteza, proud kay Bea Binene para sa kanyang bagong teleserye

 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.