Jett Pangan on working with Marc Abaya: 'It's gonna be fun. Diversity 'yan eh!'
Ilang sikat na Filipino singers ang bahagi ng cast ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.
Kabilang na dito si Ariel Rivera at ang mga rockers na sina Jett Pangan at Marc Abaya.
Hindi man nila magagamit sa serye ang kanilang talento sa pagkanta, inaasahan pa rin ni Jett na mag-e-enjoy siya sa pagtatrabaho kasama ang mga ito.
"It's gonna be fun kasi it's a totally different arena. Nagkikita kami sa gigs [ni Marc] and now magkikita kami sa set ng serye," pahayag ni Jett sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Bokalista ng bandang The Dawn si Jett, habang bokalista naman ng Kjwan si Marc.
READ: EXCLUSIVE: Jett Pangan celebrates 30 years with The Dawn
"It's gonna be fun. Diversity 'yan eh! Gusto ko 'yan—'yung nakikita mo na iba 'yung ginagawa. Exciting!" dagdag pa niya.
Gumaganap si Jett bilang Charlie Ke, asawa ni Cynthia Tan-ke na ginaganapan naman ni Marina Benipayo. Ang kanyang karakter din ang kinikilalang ama ng bidang si Rachel Ke, na ginaganapan naman ni Joyce Ching.
"It's a family drama that mirrors reality. It's gonna be something special kasi may mga twists and turns that is probably something different for afternoon television," paliwanag niya.
Bukod sa pagiging exciting, sigurado naman daw siyang maraming makakarelate sa kuwento.
"[Marina and I] play a Chinese couple so talagang saklaw lahat ng demographic sa bansa natin. I'm just as excited as the audience," aniya.
Tunghayan ang Hahamakin Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':
WATCH: Isang tongue twister para sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'
Joyce Ching on her bikini scene in 'Hahamakin Ang Lahat': "Parang nagdalawang-isip ako"