WATCH: Joyce Ching and Bruno Gabriel share how they started in showbiz
Isa na namang vlog ang inilabas ni Kapuso actor Bruno Gabriel sa kanyang YouTube channel.
Kinunan niya ito kasama ang kanyang Hahamakin Ang Lahat co-star na si Joyce Ching habang naka-break sila sa taping.
Nakuwentuhan ang dalawa tungkol sa pagsisimula nila sa showbiz.
Ayon kay Joyce, isang traffic jam malapit sa GMA Network building ang nag-udyok sa kanyang sumubok sa auditions.
Ang kanyang hilig sa pag-e-edit ng mga videos naman ang naging ugat ng showbiz career ni Bruno.
Para malaman ang buong kuwento, panoorin ang vlog nila dito.
Abangan ang susunod na episode kung saan hatid nila ang ilang funny stories tungkol sa kanilang career.
Huwag ding palampasin ang pagsisimula ng kanilang GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat, October 31 na pagkatapos ng Oh, My Mama!
MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':
'Hahamakin Ang Lahat' begins October 31 on GMA Network
WATCH: Relationship advice mula sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'