LGBTQIA+ film na 'Pare, Mahal Mo Raw Ako,' tampok sa GTV ngayong weekend
Isang nakakaaliw na LGBTQIA+ film na kapupulutan din ng aral ang hatid ng GTV ngayong weekend.
Huwag palampasin ang Pare, Mahal Mo Raw Ako, February 27, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.
Tampok dito si Edgar Allan Guzman bilang Mark at Michael Pangilinan bilang best friend niyang si Red.
Isang closeted gay si Mark at matagal na niyang itinatago ang pagtingin para kay Red sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan.
Magiging tapat ba si Mark sa kanyang nararamdaman para kay Red?
Bukod kina Edgar Allan at Michael, bahagi din ng pelikula sina Nora Aunor, Ana Capri, Joross Gamboa, at Matt Evans.
Para naman sa mga mahilig sa Asian movies, nariyan ang Magic Crystal starring Andy Lau sa Siesta Fiesta Movies, February 26, 2:00 pm at Once Upon a Time in China sa The Big Picture, February 27, 9:45 pm.
Tunghayan din ang survival horror thriller film na Open Water sa G! Flicks, February 26, 7:05 pm.
Hatid naman ng Afternoon Movie Break ang action films na Baril Ko ang Uusig ni Ronnie Rickets, February 26, 3:45 pm; Boy Bicol ni Sonny Parsons, February 27, 2:00 pm; at Boboy Salonga ni Jeric Raval, February 27, 4:00 pm.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.