
Siguradong matutuwa ang fans ng Asian cinema sa mga pelikulang inihanda ng GTV ngayong weekend.
Isa na diyan ang Hong Kong action film na "Tokyo Raiders," starring award-winning actor Tony Leung at kasama ang mga CantoPop stars na Ekin Cheng, Kelly Chen at Cecilia Cheung.
Kuwento ito ng isang babae na hindi sinipot ng kanyang fiance sa altar. Sa paghahanap niya dito, makikilala niya ang isang interior designer na naghahabol sa kanyang fiance dahil sa isang tumalbong na tseke, at isang private detective na bumubuntot sa kanyang fiance dahil sa involvement nito sa asawa ng isang gangter.
Abangan ang "Tokyo Raiders," February 6, 9:45 p.m. sa The Big Picture.
Panoorin din ang Chinese-Hong Kong martial arts fantasy film na "Wu Dang," February 5, 2:00 pm sa Siesta Fiesta Movies at "White Snake and Sorceror" starring Jet Li, February 5, 7:05 pm sa G! Flicks.
Para naman sa mga action movies fans, handog ng Afternoon Movie Break ang "Totoy Buang" ni John Regala, February 5, 3:45 pm; Masahol pa sa Hayop ni Philip Salvador, February 6, 2:00 pm at Victor Meneses ni Jeric Raval, February 6, 4:00 pm.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.