Vice Ganda
TV

Vice Ganda, inilarawan ang GMA Network bilang 'kapitbahay' na handang tumulong

By Aaron Brennt Eusebio
"Ang GMA ay Pilipinong-Pilipino na parang mga kapitbahay na sa panahon ng pangangailangan ay handang mag-alay ng bayanihan sa mga nangangailangan nilang kapwa Pilipino," paglalarawan ni Vice.

Taos-pusong nagpasalamat ang isa sa main hosts ng It's Showtime na si Vice Ganda sa GMA Network sa pagtanggap nito sa kanilang programa.

Sa naganap na contract signing, inilarawan ni Vice ang GMA Network bilang isang "kapitbahay" na handang mag-alay ng bayanihan upang matulungan ang mga nangangailangan.

"Itong nangyayaring ito ay sadyang Pinoy na Pinoy, Pinoy na Pinoy, Pilipinong-Pilipino itong nagaganap ngayon," saad ni Vice.

"Ang pamilya ng Showtime ay kumakatawan sa lahat ng pamilyang Pilipino. 'Yung pamilyang Pilipino na lahat na yata ng kaganapan sa buhay ay dinanas. 'Yung pangkaraniwang Pilipino na lahat na yata ng bagyo ay hinarap, lahat na yata ng klase ng baha ay naranasan, lahat ng klase ng problema sa pamilya ay naranasan pero patuloy pa ring tumatayo dahil sa pagmamahal na nararamdaman nila sa mga kasama nila sa bahay,” aniya.

"At dahil mahalaga sa kanila ang pamilya kaya patuloy silang lumalaban sa lahat ng hamon ng buhay na hinarap noon at haharapin pa sa kasalukuyan. 'Yun ang Showtime family.

"'Yung ABS-CBN naman, kumakatawan para sa lahat ng mga magulang sa lahat ng bahay. 'Yung kahit anong kaharapin nung mga anak niya, kahit anong danasin ng bahay niya, kahit anong danasin ng pamilya niya, 'yung mga magulang, kahit anong hirap, hinding-hindi titigil sa paghanap ng paraan para maitaguyod ang pamilyang ito,” dagdag niya.

"At ang GMA naman ay Pilipinong Pilipino na parang mga kapitbahay na sa panahon ng pangangailangan ay handang mag-alay ng bayanihan sa mga nangangailangan nilang kapwa Pilipino."

Sa kabuoan, ang nangyari sa It's Showtime at ang paghanap nito ng bagong tahanan sa GTV ay sumisimbolo sa mga karanasan ng mga Pilipino.

"Itong nangyayaring ito ay Pilipinong-Pilipino. Ito ay istorya ng tagumpay para sa akin, para sa akin, para sa mga kasamahan ko, para sa mga bosses natin, at lalo't higit para sa madlang people na nanonood at sumusubaybay ng mga programa natin.

"Kaya masayang-masaya ho ako, sobra kong saya, and hindi ko makita kung saan ito mapupunta, kung saan dadalhin ang programa, kung anong kakahitnatnan ng araw na 'to. Hindi ko alam.

"Pero alam ko, ang pangyayaring ito ay magiging susi o magiging simula ng napakaraming magagandang pang susunod na pangyayari kaya I'm just very hopeful, very grateful, and very excited," pagbabahagi niya.

Pinangunahan nina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Jr., Executive Vice Presdient and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films, Atty. Annette Gozon-Valdes ang contract signing kasama ang executives ng ABS-CBN na sina Chairman Mark L. Lopez, President and CEO Carlo L. Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, at officer-in-charge of finance group na si Paul O. Pieded.

Buong puwersa rin ang hosts ng It's Showtime na sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Ion Perez, Cianne Dominguez, MC, at Lassy sa contract signing.

Mapapanood na ang It's Showtime sa GTV simula sa Sadabo, July 1.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA KAPAMILYA STARS NA MAPAPANOOD MULI SA KAPUSO CHANNEL.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.