'It's Showtime' host na si Vice Ganda, nag-request na mag-guest sa isang show sa GMA?
Sa bagong vlog na in-upload ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel, nabanggit niya sa ilang parte ng video ang GMA-7.
Sa unang parte ng video ni Vice, ikinuwento niya ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa nangyayari ngayon sa kanilang programa sa ABS-CBN na It's Showtime.
Ibinahagi ni Vice na malungkot siya sa naging desisyon ng TV5 sa pag-cancel ng kanilang programa sa Kapatid Network.
Sa kabila ng kinakaharap ng hosts at ng programa ng It's Showtime, nananatiling positibo ang pananaw ni Vice sa mga nangyayari.
Kasunod nito, nagkuwento pa ng ilang bagay ang naturang comedian-host at vlogger.
Sa kanyang vlog, ibinahagi rin niya ang saya na naramdaman at ng kanyang co-hosts nang malaman nilang mayroong panibagong bahay ang kanilang programa.
Ayon kay Vice, “Nung sinabi nila na nagkaroon sila ng deal with GTV hindi pwedeng walang magpapakita ng interes sa binitawang gem… naniniwala rin sila sa Showtime brand… Pwede namang sabihin GTV or GMA does not need showtime, pwedeng sabihin 'yun kasi ang lakas nila…”
“Maraming maraming salamat sa GMA at sa GTV, maraming Salamat po sa pagtitiwala ninyo, Sa bukas-palad, bukas-kamay ninyong pagtanggap sa amin…Malaking bagay po ito sa amin at ipinagpapasalamat po talaga namin."
Sa huling parte ng vlog, ibinahagi ni Vice ang request niya sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes.
Paglalahad niya, “Siyempre magpo-promote, sabi ko, Tita Cory, since mag-ge-guest tayo sa ilang GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito, kung uubra lang. Sana mag-guest ako sa show na ito.”
Dagdag pa ni Vice, “Let's see, gusto ko lang talagang mag-guest doon sa show na 'yon.”
Hindi binanggit o pinangalanan ni Vice ang naturang GMA show ngunit ayon daw kay Cory, sasabihin niya sa mga boss ang request ng una upang magawan ito ng paraan.
Abangan ang It's Showtime sa GMA channel na GTV, magsisimula nang mapanood ngayong darating na July 1, 2023.
SILIPIN ANG PAGLABAS NG SHOWTIME HOST NA SI ANNE CURTIS SA ILANG GMA SHOWS SA GALLERY SA IBABA: