WATCH: Bruno Gabriel at Ayra Mariano, nakipagsabayan sa kulitan nina Boobay at Tekla
Special guests sina Bruno Gabriel at Ayra Mariano sa March 27 episode ng The Boobay and Tekla Show, at nakipagsabayan ang Ang Forever Ko’y Ikaw stars sa ating laugh-out-loud tandem at trending comedians.
Naglaro ng ‘Ba-Clues’ sina Bruno at Ayra kasama sina Boobay at Tekla. Magkakampi sina Bruno at Boobay bilang Team #BruBoo habang sina Ayra at Tekla naman ang bumuo ng Team #AyTek. Ang challenge, kailangang ilarawan ng isang player ang mga salita na dapat mahulaan ng kanyang teammate.
Tila madali lang ang kanilang laro hanggang sa nakaisip ng strategy ang bawat team para pigilang manalo ang kanilang kalaban. Ano kaya ang ginawa nila?
Watch this:
Tuloy-tuloy dapat ang good vibes kaya laging tumutok sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M!